Marereporma pa ba ang Kapatiran ng GUARDIANS?
Sa kasalukuyang panahon ay mayroon ng tatlong daan at dalawa (302)na gumagamit ng salitang "Guardians" sa kanilang mga Kumpanya, Kapatiran, Organisasyon, Assosasyon, paksyon, at Foundation o pondasyon sa wikang filipino..kaya sasabihin natin na talagang napakahirap na pagisahin ang kapatiran ng GUARDIANS" at tuloy ito ay maireporma....sabi nga ng isang sister natin...one million dollars ang tanong na ito....
Pero pagusapan muna natin ang mga kahulugan nitong mga samahan ng sinasabi nating "GUARDIANS"...may tatak o tattoo ba silang lahat...di naman po siguro ano po..gawin nating English-Filipino...
Assosasyon - Association: Common purpose and having a formal structure...sa Wikang Filipino: Iisa ang layunin at gumagawa ng straktura ng samahan. katulad ng Presidente, bise, at iba pa na magpapatakbo ng assosasyon....
Organisasyon - Organization: The act or process of organizing...sa Wikang Filipino: Ito ay isang proseso ng pagbuo ng mga miyembro para gumawa ng mga...sabihin na natin...makabayang proyekto.
Kapatiran - Brotherhood: The quality of being a brother or brothers and fellowship..sa Wikang Filipino: Ang kalidad ng kapatid o kapatiran at pakikipag-kapwa tao.
Paksyon - Faction: A group of people forming a minority within a larger group...sa Wikang Filipino: Grupo ng mga tao na bumuo ng maliit na grupo na nakapaloob sa malaking grupo.
Pondasyon - Foundation: The institution finance by a donation or legacy to aid research, education, arts, etc. - sa Wikang Filipino: Isang samahan o institusyon na ginagastusan ng mga miyembro at makukuhang donasyon sa mga legasiya para gamitin sa pananaliksik, edukasyon, sining, at iba pa.
Balit tayo sa tanong: Marereporma pa ba ang kapatiran ng GUARDIANS?
Siguro puwede kung ang lahat ng namumuno dito sa mga organisasyong ito..puwera lang ang mga kumpanya ay gumawa ng mga proyektong pang-bansa at kalikasan, hindi ho ba?
Isa-isip po natin ito...ang lahat ng Letra sa ating balikat, isa-isahin po natin;
G- Gentlemen - Maginoo..dapat hindi bastos at lahat ng sinasabi ay totoo
U- United - Pagkakaisa...parang mahirap pero subukan natin...kung di matiyaga walang nilaga, hindi ho ba...
A- Associates - Katuwang o kakampi o kapatid o hindi kalaban....
R- Race - Lahi...iisa ang lahi nating mga Pilipino....
Kayang-kaya po ang apat na letra sa itaas hindi ho ba...siguro kung tunay at tapat kang kapatid ng kapatiran...sisiw lang ito ano po, dahil kung hindi...pabura mo na yang apat na letra sa balikat mo at hindi mo naman naiintindihan ang mga salitang ito....punta tayo sa iba pang letra...
D - Dauntless - May tapang...huwag namang sobra at baka kung saan mapunta ang tapang ay mangaaway ka na ng kapatid dahil hindi kayo magkasundo....
I - Ingenious - May talino...dito medyo may kulang tayo...pero lahat naman ng bagay ay natututuhan, hindi po ba, tiyaga lang ang kailangan....
A- Advocators - Maraming Adbokasiya - Marami ang hindi nakakaintindi nito sa kapatiran...kahit sa websters dictionary wala ito...pero kung tatangalin ang "S"..mayroon..pero ang ibig sabihin ng advocator ay isang may dinadalang adbokasiya sa English for a cause...may isang kabutihan na itinuturo (Hindi kasamaan)o nagtuturo ng adbokasiya....wala yata ang iba nating kapatid niyan...kaya dapat ding matutunan....
N- Nation - Bansa...para sa Bansa...kaya sana ay walang lokohan at magmahalan..
S - Society - Lipunang ginagalawan...ito ang mahirap...kung paano natin iaakma ang kapatiran sa lipunang ating ginagalawan....
Isa sa mga salita ko habang nagbibigay ako ng mga pointers sa ating mga kapatid sa maliliit na grupo ay ganito:
Hindi nila tayo kinikilalang kapatid..dahil hindi tayo nakatapos ng pag-aaral o propesyunal..isa yan sa panuntunan ng mga orihinal na "GUARDIANS"...dahil kayo ay may tatak lang at hindi ninyo kailanman magagawa pang mag-aral dahil sa inyong mga edad, at karamihan sa inyo ay may pamilya na....pero para sa akin mas higit pa kayo sa isang prpesyunal kung iaakma lang ninyo ng tama ang ating kapatiran sa ating lipunan...ang pagiging matulungin, ang pagiging pala-kaibigan, at hindi manloloko kailanman...kesa sa mga propesyunal na puro under the table ang usapan...
Marahil ay bibilang pa tayo ng panahon para mare-porma ang kapatiran sa "GUARDIANS"...kung basta kapatiran lang ang ating paguusapan...siguro oras na para gawain na natin ang mga letrang D-I-A-N-S...ito ang may katapangan at konting katalinuhan para gumawa ng adbokasiya para sa bansa at lipunan...ano sa palagay ninyo?
Ginawa na ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ang MAKAKALIKASAN Org...ang ibig pong sabihin nito ay "MAkabayang KAlipunan at KApatiran ng LInis KApaligiran para sa SANlibutan Organization"..ilalayo muna natin ang salitang "GUARDIANS'...dahil ito ay kumbinasyon ng mga assosasyon, club, kumpanya, organisasyon, barangay, foundation, at mga grupo....kung sasama at sasapi ang lahat ng tatlong daan at dalawang samahan na may pangalang "GUARDIANS" ay siguradong mapipigil natin ang napipintong pag-init ng panahon sa mundo...at uunlad pa ang ating bansa....at kung "KAYO PO AY PATUTURO SA AMIN"...salamat po sa mga nagbasa...tunay kayong "GUARDIANS"!